Saturday, May 3, 2008 , Saturday, May 03, 2008

Sinu nga ba?

Oo na. Bored lang ako. Idle. walang magawa. Matagal na din pala nung simulan kong banggitin siya sa mga blog entries ko. At hanggang ngayon, buhay na buhay pa din ang pagbalita ko tungkol sakanya. Hehe. Mala-istalker na nga ang dating ko eh. Pasensya. May topak eh. :p Ang weird nga eh. Kahit na...

Ehhhh. ang sungit at suplado niya to the nth power. O sakin lang talaga siya ganun? Bakkkkiiiitttt?? anung ginawa ko?! Hindi ba tayo friends? Upakan kita eh. Akala mo ah, Eh anu ngayon kung matangkad ka sakin? at may BRACE ka na nakakamatay tuwing ngingiti ka? At yung pa-deep mo na boses. Hala. Hinimatay na ako. NAKOO! ikaw kasi eh. :S

Eh anu ngayon kung mayaman ka? waw. rich kid. Niiiceee. :P
At na payatot ka, hala. Mas malaki pa ata katawan ko kaysa sayo eh. Pataba ka naman. Lamang ka lang talaga sa height noh. At totoo ba na never ka pa nagkagerlprend? Ayon sa akin source. you are waiting for the perfect girl kuno. Pero panu na yan? wala namang perfect eh. Eh di single ka na poreber? hahahaha. Mabuti. Eh anu ngayon kung matalino ka? at nagttop ka sa cmsc56 nung second sem. Waw. ikaw na ang pangalan ang nakapaskil sa bulletin board. :S

At anu ngayon kung pa-out of the country, out of the country ka na lang? Next time naman. Isama mo ako. Hahaha. Okay lang kahit hindi ka photogenic, ehem. cute ka pa din naman eh. Aysus. Anu ba yan. Eh anu ngayon kung hindi tayo close? na hindi mo alam na nageexist ako sa earth? Di ba ako kapansin-pansin? Susme. Eh anu ngayon kung nakalimutan mo na magkakilala pala tayo at magkateks na noong summer pa? Sadyang ganyan ka lang talaga sakin. :S

Na alam ng mga friends mo na crush kita, pero syempre. iddeny ko. :P Haay. ComsciBoy.ü Mauupakan kita eh. Bakit ba kasi ganito ang epekto mo sakin? at hindi mo alam? Ang labo. :S Haaaaahaaaayyy.

Oh. teka. anu naman point ng blog na eto. Dapat magkkwento ako pero napadpad sa pagrrant and rave ko. Adddiiikkk. :S Malabo.

tjmonsi: kamusta na kayo ng crush mo?
AnneXtiane: ehem. asa pa dun. di nga niya alam na nageexist ako. tsk.
tjmonsi: ipaalam natin

Napaisip tuloy ako. Gusto ko bang malaman mo? Natatakot ako. kasi parang alam ko na magiging reaksyon mo. Mukhang ewan lang eh. Anu ba yan.:S :S :S
gusto ko ng bagoooooo. Nasstress ako sayo. haha.

In a way, na nagmamaganda na baka sakali makita kita eh. Mukha naman akong presentable at maayos na madalas eh pag nakikita kita. Hindi ako prepared. Whatta timing. :S

Tama na nga. Pasensya na at napahaba ang post ko na walang pinatutunguhan. :S
wag na lang kayo maingay. SECRET lang natin eto ah? saka na ulet. :P
wag nang maingay. sa atin atin na lang eto. :P

Sa susunod..na pagdradrama at pagkakaCRUSH.Ü