Sunday, February 17, 2008 , Sunday, February 17, 2008

haha. über natuwa ako dito.

1. Mr. Gwapings

mayaman, gwapo, kilala, at higit sa lahat may wheels. mataas ang confidence nya na hindi sya mababasted, kaya pag nabasted.. maapektuhan ng husto ang kanyang EGO. at take note, malas mo kung may sour grape attitude pa yan. pwede nyang sabihing "sus kala mo kung sinong maganda e pinagtyatyagaan ko lang naman sya! pweh!"

2. Mr. Quickie

ang type ng manliligaw na kada magkikita kayo e wala nang alam na sabihin kundi "kelan mo ba ako sasagutin?" o kaya "i love you na, ako ba hindi mo pa love?" kahit na isang linggo pa lang naman syang pumoporma. kung baga dinadaan nya sa pangungulit para mabilis ang pagsagot mo.

3. Mr. Everything

linya nya ang "sagutin mo lang ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng magustuhan mo. kahit ang pa buwan o kaya mundo." !@#$ ka na pag nagpauto ka. dahil pag sinagot mo na yan, makakalimutan na nya ang linyang yan.

4. Mr. Stalker

eto yung type ng manliligaw na pag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka sa tanong na "kumain ka na ba?" pagkasagot mo susundan pa nya ulit ng tanong "nsan ka ngayon?" "sinong kasama mo?" "anong ginagawa mo?" at kung anu-ano pa. basta tungkol sa daily activities mo kelangan malaman nya.

5. Mr. Take it or leave it

pag binasted mo ang ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas may nililigawan na sya ulit. at heto pa, hinding hindi ka na nya papansinin. period.

6. Mr. Salesman

dadaanin ka sa matatamis na salita. parang si Mr. Everything din kaya lang sya mas matindi mang-uto. yun bang tipong.."ang ganda ganda talaga ng mga mata mo.." o kaya "ang kinis kinis mo" o kaya "ang lambot ng mga kamay mo" at iba pang pang-uuto mapasagot ka lang.

7. Mr. Good Dog

eto ang nakakatuwang manliligaw. kase payag syang magpaalipin. taga bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. kahit magmuka syang buntot sa tuwing may gala kayo ng mga barkada mo. napapakitang gilas kung baga. pero pag sinagot mo na, for sure gaganti yan.

8. Mr. Anonymous

motto nya ang "action speaks louder than voice". wala kang kaalam- alam, nanliligaw na pala. kaya pala ang bait- bait sayo. e akala mo mabait lang talaga. hehe!

9. Mr. Second chance

sya ang pinakamasugid mong manliligaw. kahit 100 tayms mong sabihing ayaw mo sa kanya at wala na syang pag-asa ang sasabihin nya parin "Please give me a second chance"

10. Mr. Romantiko

jologs ang mga paraan nya sa panliligaw. manghaharana, pakikisamahan mga barkada mo, liligawan parents mo at laging may dalang flowers and chocolates tuwing dadalaw. pero madalas nakakapagpakilig sya ng nililigawan nya dahil sa kanyang "malinis na hangarin" awww!


AGREE? :D


Guide questions:

GIRLS: sino na ang naencounter niyo na at anong nangyari?

GUYS: sino kayo diyan? aminin naaaa! =P

Sino ang the best? SAGOT NA! :)


source: iea ♥