Friday, January 18, 2008
, Friday, January 18, 2008
mga isang oras at kalahati na lang ang nalalabi bago maganap ang pagsusulit sa nasc3 (physics in everyday life.Ü) kabado ako. hindi ko alam kung mapapasa ko ito.
nagreview naman ako. nagaral ng konti. pero hindi pa ito sapat. kahit GE lang yun. natatakot pa rin akong bumagsak. ang overacting naman. haha. pero sa totoo lang. nakakainis naman kasi ang nasc3. lalo na't tinuturo ito sa tagalog. duh! di ko pa ata naransan na magphysics ng tagalog. mas nahihirapan akong intindihin. kasi naman eh. bakit kelangan pa magexperiment? guinea pigs ba kami. lab rats. at kung anu pa. bakit hindi na lang katulad ng ibang section na english ang medium ng pagtuturo. mas madali pa yun eh. large class pa man din tapos ganun. panu ka naman gaganahan makinig kung tagalog ang pinapaliwanag sa mga konsepto na nakasanayan mo na itinuro ng ingles. napatagalog na ako at lahat. haha.
pilipino pa din akoo. pero basta. ayaw. ayaw ko sa pagtuturo ng tagalog. pakinggan mo naman ang dating.
------------------------------------
anung subject mo?
NASC3.
anu yun?
"pisika sa pang-araw araw na buhay. Ü"
nyaak. tagalog?
------------------------------------
oh di ba? ang panget panget talagang pakinggan kahit kailan. as in. 
pero tama na ang pagiinarte at pagdradrama. wala na kong magagawa pa. matatapos na din naman ang sem eh. sana lang pumasa ako. sana. maintindihan ko pa ang mga isusunod na ituturo sa tagalog. 
goodluck sa pagsusulit mga kapwa ko kamag-aral.
-- hinagpis ng isang nasc3 na estudyante. Ü